Mga Balitang Maharlika, Local at International

Anti-Flood ni Imelda Marcos pinahinto ni Cory Aquino

0 1,597

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Ngayon ay nakaranas na naman ng matinding bagyo ang Pilipinas. Hindi na ito bago sa atin dahil bukod sa malapit tayo sa Pacific Ocean ay binubuo tayo ng mga isla na kung saan pinanganganak ang bagyo at hindi basta-basta humihina.

Isa siguro sa pinakamalaking pagkakamali ng mga nakaraang administrasyon partikular ni Pangulong Corazon Aquino ay ang pagpapahinto sa naudlot na proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos na sana ay makakapag salba sa atin sa mga pagbaha.

Alam ng dating Pangulong Marcos na hindi handa ang Pilipinas sa sakuna at kailangan ng Flood Control Plan.

Ito ay ang Mega Spillway Anti-flood Plan na ginawa at dinesenyo nang mapansin ni First Lady Imelda Marcos ang kakulangan sa sapat na plano ang bansang Pilipinas sa pagharap ng sakuna.

Noong September 21, 1972 nalupos ang Pilipinas sa bagyong Goring, naalarma ang First Lady Imelda Marcos na noon ay Governor ng Maynila at kinausap ang Pangulong Ferdinand Marcos na gumawa ng paraan upang maging handa ang Pilipinas sa kalamidad. Kaya’t agaran na gumawa ng plano ang PIlipinas kasama ang pinaka tanyag na World Class Urban Planner na si Felino Palafox at nagawa ang Metro Manila Development Planning Project for Flood Control, 35 years ago na ang nakararaan.

Felino A. Palafox, Jr. is a Filipino architect, urban planner. He is the Principal Architect-Urban Planner and Founder of Palafox Associates, Arch. Palafox is in the field of planning and architecture for four decades serving both the government and private sector. (Wikipedia)

Ito ay isang planong nabura na lamang nang maupo noon ang dating Pangulong Corazon Aquino.

Itong Metro Manila Development Planning Project ay inaral ng international committee at mismong si Governor Imelda Marcos ang humawak ng Committee upang maayos at mapabilis ang Urban Development Planning. Nilahad dito na 40 feet megafloodway sana ang itatayo sa Metro Manila. Nasimulan na ang proyekto na hinati sa Four Phase.

Naitayo sa ilalim ni Pangulong Marcos ang pinangarap ng kanyang kabiyak na si First Lady Imelda Marcos ang Drainage system mula Pasig, Marikina at Napindan River. Ang last Phase ay ang Paranaque na kung saan ang mga tubig na tayo ay itatago sa Laguna de Bay.

 

Isa sa mga ambisyon ni First Lady Marcos ay gawing mala-Venice Italy ang style ng canal at ma-implement ito sa Visayas at Mindanao. Sana kung natuloy lamang.

Nakakalungkot, nang dahil sa politika at mapanghimagsik na puso at mga mapanirang politika.

Inihinto ng dating Pangulong Corazon Aquino at mga nagdaang lider ang napakagandang proyekto ni Pangulong Marcos na syang pinatunayan ni Felino Palafox.

Walang makakaalam kung hindi natin sasabihin ang mga binurang kasaysayan ng mga Dilawang Pangulo sa pangunguna ni Cory Aquino na gustong lumubog ang bansa sa kahirapan upang makinabang ng madami ang mga oligarko.

Hindi sana tayo naghihirap sa baha kung ipinagpatuloy ang proyekto ni Pangulong Marcos.

Sana ang susunod nating pangulo ay buksan ang project na ito na isa sa pinilit ipabukas ni Senador Juan Miguel Zubiri noong taong 2009.

 

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More