Mga Balitang Maharlika, Local at International

Atty. Chong at Jeanette Santillan, dumulog sa DOJ

0 245

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

MANILA – Dumulog sa Department of Justice (DOJ) si Atty. Glenn Chong at ang maybahay ni Richard Santillan na si Jeanette.

Kanilang hiniling sa DOJ na atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na magkaroon ng parallel investigation sa pagkakapaslang kay Santillan.

Ang kanilang hininging tulong sa DOJ at NBI ay ang mga sumusunod:

1. Kunin ang sasakyan ni Chong mula sa kustodiya ng PNP na syang ginamit ni Santillan nang siya ay mapatay.
2. Magsagawa ng forensic examination sa sasakyan;
3. Magsagawa ng full reconstruction o reinactment ng mga pangyayari mula ng makita pang buhay si Richard Red Santillan hanggang ang kanyang bangkay ay natagpuan sa pinangyarihan ng krimen;
4. Kunin ang mga damit ni Santillan na suot ng siya ay pinatay;
5. Magsagawa ng forensic examination sa mga damit na ito;
6. Kunin ang telepono ng biktima mula sa kustodiya ng PNP;
7. Magsagawa ng forensic examination sa telepono;
8. I-subpoena ang dashboard camera ng sasakyan na nasa kustodiya ng PNP upang makita ang mga pangyayari.

Nananawagan din si Atty. Chong at ang maybahay ni Santillan kay PNP Chief Oscar Albayalde na i-relieve na si Chief Superintendent Edward Carranza sa kanyang pwesto bilang Regional Director ng PRO-4A upang hindi na makapagluto pa ng ebidensiya.

“Ang kanyang mga bata-batang hired killers na nagtatago sa uniporme ng kapulisan ang may kagagawan nito. Sila ay nasa ilalim ng direct command and instruction ni Carranza kaya dapat lang na kasama siya sa mga sibakin sa pwesto” ayon pa kay Chong.

Matatandaan na tinorture, pinatay at sinet-up si Richard Red Santilan ng mga tiwaling kapulisan noong December 10, 2018.

Ayon sa Public Attorney’s Office (PAO) Forensic Laboratory Service, umabot sa 63 ang tinamong sugat ni Santillan.

Gunshot Wounds, Entry – 18
Gunshot Wounds, Exit – 12
Incisions and Lacerations – 7
Puncture Wounds – 6
Contusions and Hematomas – 7
Multiple Abrasions (in groups) – 5
Undetermined Wounds – 3
Bone Fractures – 5

Sabog ang mga ngipin sa taas (kanan) at baba (kaliwa) kung saan ang 3 ngipin ay nahati sa gitna na parang ginamitan daw ito ng grinder dahil sa sobrang linis at pantay-pantay ng pagkahati. Pinalo sa 3 magkaibang bahagi ng kanyang ulo. Sinaksak ng screwdriver o icepick ang kanyang harapan at likuran. Sinaksak at nilaslas ng kutsilyo ang kanyang likuran.

Ang mga palatandaan ng torture injuries ay nakita sa ulo, bibig, likod, tiyan at extremities (braso, kamay, hita at paa) ng biktima.

Mahigit sa kalahati ng entry gunshot wounds ay pababa ang trajectory na hindi tugma sa isang “shootout” scenario, dagdag pa ng PAO Forensic Laboratory Service.

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More