Mga Balitang Maharlika, Local at International

Bong Go, mananatiling tulay ng publiko kay PRRD

0 50

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Kasabay ng pagtiyak ng palagiang pagiging tulay ng publiko patungo kay Pangulong Rodrigo Duterte, naghahanda si Special Assistant to the People Christopher Bong Go para makatulong sa mga sinalanta ng bagyong Rosita sa ilang lalawigan sa Northern Luzon.

Sinabi ni SAP Bong na sa kanyang pribadong kapasidad kasama ng kanyang mga kaibigan at tagasuporta ay agad na magtutungo sa mga binagyo oras na magbigay ng clearance ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay SAP Bong, nakapaghanda naman ang gobyerno para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at tulong sa mga sinalanta ng bagyo pero kailangan pa rin ng tulong ng mga pribadong mamamayan tulad niya.

Pinaalalahanan din ni SAP Bong ang mga apektadong mamamayan na palagiang maging vigilant para makaiwas sa mga sakuna dulot ng bagyo.

Samantala, sa pakikipag-ugnayan sa mga gobernador ng mga apektadong lalawigan, siniguro ni SAP Bong na makakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang mga panawagang tulong para sa mga sinalanta ng bagyong Rosita.

Ipinaalala naman ni SAP Bong sa mga kailangang magpagamot at magpaospital na may mga Malasakit Center na itinatag sa ilang lugar sa bansa upang maging mas madali at mabilis ang serbisyong medikal at kung hindi man libre ay tiyak aniyang minimal lang ang gagastusin.

Tiniyak din ni SAP Bong na mananatili siyang tulay ng publiko kay Pangulong Duterte at kung sakaling palarin siyang mahalal sa senado ay isa sa mga una niyag isusulong ang pagsasabatas sa mga Malasakit Center para magtuloy-tuloy na ang serbisyong medikal lalo na sa mga mahihirap na mamamayan. (Leo Palo)

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More