Mga Balitang Maharlika, Local at International

BSP, tiwalang  lalakas ang ekonomiya ng Pilipinas sa Q1 ng 2021

0 67

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Kampante ang Bangko Sentral ng Pilipinas na muling lalakas ang ekonomiya ng Pilipinas at posibleng  magpalawak muli ng negosyo ang mga negosyante at mag-hire ng mas maraming manggagawa.

Sinabi ni BSP Department of Economic Statistics Director Redentor  Paolo Alegre  na sa huling datus sa kanilang  expectations survey ay babalik ang positive territory ng employment outlook  sa unang quarter ng susunod na taon.

Ayon kay Alegre, umaasa silang aakyat sa 5.3% ang employment outlook ng Pilipinas matapos ang pagbagsak nito sa 5.5% sa 3rd quarter ng taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Iginiit pa ni Alegre na posibleng sumampa sa 7.8%  ang employment outlook index ng Pilipinas sa susunod na 12-buwan

Matatandaang na sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority, bumagsak ng 10% ang unemployment rate ng Pilipinas mula noong July.

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More