Mga Balitang Maharlika, Local at International

Ex-beauty queen, ibinuko ang P3M for a one-night stand na alok sa mga title holder

0 5,113

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Sa episode ng Channel News Asia (CNA) na uploaded May 2, 2020 sa Youtube, na pinamagatang “The Hidden Side of Philippines Beauty Pageants” Isiniwalat ni Janina and kabulukan ng organizer ng Binibining Pilipinas.

Sa edad na 17 anyos, sumabak sa Binibining Pilipinas noong 2008 si Janina. Napanalunan niya ang isa sa tatlong major titles, ang Bb. Pilipinas-World.

Narito ang kanyang pahayag

“Kung pagbibigyan ulit ako, sana hindi na lang ako nag-join ng pageant, nandun nga ako sa loob ng Araneta, yun nga yung pinapanood ko, yung ano, yung mga pageants to get some ideas kung paano nanalo yung iba, yung former beauty queens during that time.

Wala nga akong phone, wala ding computer. There’s a point in time na nandun na yung brother ko, tsaka yung daddy ko sa labas. Pero sabi nung guard, since wala kayong appointment, umuwi na lang kayo.

Accidentally na narinig ko yung lolo ko nga nasa hospital na. Ang balak pa nila, ayaw nilang sabihin sa akin na yung lolo ko, mamamatay na, because I’m in the middle of training. So, ayaw nilang parang ma-distract ako.”

“Tapos nung nandun na kami sinabi na 3 million pesos for a one-night stand.”

“Yung 25 million, ano yun gagawin ka niya parang girlfriend, bibigyan ka ng car, condo, resort, lahat. Ayun na nga, maduming kalarakan nila.

Andami talagang gustong maging girlfriend or wife ang isang beauty queen. Nakuha ko na yung – which is experiences, and rather than that, wala na. To tell you honestly, I’m really not happy during that time,” sabi ni Janina.

Kaya kasabay ng pagtalikod ni Janina sa pagiging beauty queen, tinanggal niya sa kanyang resume ang pagkapanalo sa Binibining Pilipinas dahil gusto niyang mamuhay ng normal.

“Gusto kong magkaroon ng normal na work, in-insert ko dun sa mga experiences ko yung pagiging title-holder. So, sabi ng tita ko, ‘Alisin mo ‘yan sa resume mo, iba pang iisipin sa iyo ng mga tao. Much important yung family ko rather than yung wealth and fame.

“Parang ang gulo-gulo sa showbusiness, ang daming indecent proposals.” Pagtatapos ni Janina.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More