Mga Balitang Maharlika, Local at International

Imelda Marcos tunay na parte ng World History

0 148

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

 

Naging trending sa Twitter ng mga Dilawan ang pagbanggit sa pangalan ni First Lady Imelda Marcos, sa Netflix Series na THE CROWN (Season 4 Episode 3) na kung saan napag-usapan ng mga Royal Blood ang pagpunta ni Princess Margaret sa Manila at magkita sila ni First Lady Imelda Marcos.

Si Imelda Marcos ay nagmamadaling ipakita kay Princess Margaret ang “seashells collection” ng Pilipinas na nilait ng mga Royal Blood at iniinsulto ang accent ng mga Pilipino na baka daw “shoes” ang binanggit.

Kinatuwa ito ng mga Dilawan at natutuwa sila na binanggit si First Lady Imelda Marcos na pinagtatawan sa kanyang accent.

Nakikita ko ito sa dalawang perspektibo. Una, ang dilawan ay repleksyon ng kababawan at crab mentality, kung totoo man na nangyari ito ay pagyurak ito sa identity ng Filipino accent.

Kailanman, walang perkpektong accent sa mundo, hindi sinasabi ng libro ng American o British accent lamang ang katanggap tanggap. Kundi ito ay depende sa kultura at lahi, kasama na ang enviroment na nagdedevelop sa identity. Kung totoo ito, at tinawanan ng Dilawan, sila ay isa sa sumira na din sa ating lahi.

Ikalawa, ang makasama sa isang conversation ng mga Royal Blood at makasama ang pangalan ng First Lady Imelda Marcos sa isang Royal Story tulad ng The Crown, ay simbolo ng kanyang impluwensya at malaking role na ginampanan sa World Geopolitics.

Saan man itong anggulo tingnan, nagpapatunay na ang Imelda Marcos ay pangalan na nagbigay kulay, impluwensya at malaking role sa World History.

Wala ni isang Asyano o ibang lahi na hindi parte ng Western World ang nabanggit kundi ang nag-iisang Imelda.

Makakaasa kayo na patuloy nating sasabihin ang katotohanan at abangan ang aking mga istorya sa Maharlika News, YouTube Channel na Maharlika at ang bubuksan ko na Channel sa YouTube.

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More