Mga Balitang Maharlika, Local at International

Ina ni Atom Araullo nakuhanan ng video, kabataan hinihikayat na sumapi sa NPA

0 783

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Panoorin ang video

Nakuhanan ng video ang ina ni Atom Araullo sa isang rally na nanghihikayat  ito sa mga kabataan na sumapi sa tinawag nyang kilusang rebolusyonaryo at inuudyukan nya ito na sumama sa underground movement.

Sa ibaba ang ilan sa nilalaman ng kanyang talumpati na may pag-uudyok.

“Mga kasama, walang ibang paraan kundi mag organisa, imulat natin ang ating mga kapitbahay, ang ating mga kamag-anak, ang ating mga kasama sa komunidad.

Mag organisa, mag organisa, mag organisa! Para hindi nila tayo kayang sagasaan, para hindi nila tayo kayang puksain, para hindi nila tayo kayang utasin.

Kung kailangan po natin mag underground tulad po ng ginawa namin noong kabataan ko. Para doon sa tinutugis, walang habas na tinutugis, mag underground!

Kung kailangan natin magpunta sa kanayunan, magpunta tayo sa kanayunan.

Sapagkat alam nyo po ang kaibahan ng kilusang mapagpalaya sa Pilipinas di tulad sa mga ibang bansa na madaling-madali nilang sinupil sa pamamagitan ng aresto at pagpatay, paggawa ng mga kaso.

Tayo po ay may kilusang rebolusyonaryo, tayo po ay may kilusan na kayang lumaban ng mata sa mata, ngipin sa ngipin.

Ngayon, hindi ko naman po sinasabi na ako kaya kong gawin pa yun. Pero kung ano ang kaya kong gawin, gagawin ko at inaasahan ko po na tayong lahat lalo na ang mga kabataan. Laban mga kasama! Huwag tayong padudurog lalaban tayo!”

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More