Mga Balitang Maharlika, Local at International

Kasong isinampa ni Kris Aquino kay Nicko Falcis, ibinasura

1 551

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

MANILA – Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong qualified theft na isinampa ng tv host at aktres na si Kris Aquino laban sa dati nyang business manager ng kanyang kumpanyang Kris Cojuangco Aquino Production (KCAP) na si Nicko Falcis.

Inaprubahan ni Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel D. medina ng Makati City ang resolution ni Assistant Prosecutor Paulo C. Barcelona na nagrerekomenda na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng probable cause.

Sa resolution na may petsang February 18, sinabi ng Makati Prosecutor’s Office na walang nakitang matibay na ebidensya na ninakawan ni Nicko si Kris gamit ang company credit card matapos ang kanilang masusing eksaminasyon sa mga rekord ng kaso.

October 2018 nang magsampa ng reklamo si Kris kay Nicko na ginamit nito umano ang KCAP credit card para sa mga personal na gastusin na hindi niya alam o walang pahintulot na ang halaga ay umabot sa P1.27 million.

Inihain ni Aquino ang kasong theft sa pitong lungsod, ito ay sa Quezon City, San Juan, Taguig, Mandaluyong, Pasig, Manila at kabilang na ang Makati.

Matatandaan na nag viral sa buong social media ang audio recording ng cellphone conversation nina Kris at Nicko.

Mapapakinggan sa recorded conversation ang boses ni Kris na galit na galit at nagbabanta sa buhay ng kanyang kausap.

Ito ang kanilang naging conversation:

FALCIS: Madam…hello

AQUINO: You fucking asshole Nicko, okay. NO!

FALCIS: Madam

AQUINO: Huwag ka ng bumalik sa Pilipinas, nadinig mo? NO! Huwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO! you know what, you know what’s wrong with me? MAY LUPUS AKO NICKO!!!

FALCIS: Oh my God…Madam…Madam (Crying)

AQUINO: That’s why… GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD!!!

Sa post ng kanyang Instagram account, inamin ni Kris na siya nga at si Nicko ang magkausap sa audio recording. Nangyari ito noong September 27, 2018 at kumalat sa buong social media ang kanilang pag-uuasp nitong January 2019.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More