Mga Balitang Maharlika, Local at International

Komunistang alipores ni Joma na nanggulo, itinaboy ng mga pulis

0 3,144

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

LOS ANGELES, CALIFORNIA – Ang mga nasa larawan ay mga alipores ni Jose Maria Sison na lumusob, nambastos at nanigaw sa aming Maharlikan Christmas Party.

Disyembre 15 habang nagkasayahan ang aming grupo nang bigla na lamang kaming nabulabog sa narinig naming mga sigaw mula sa labas gamit ang megaphone.

Ang kanilang mga sigaw “Bato, bato hindi ka welcome dito! at “No justice, no peace! Stop the killings in the Philippines!

Nagtangka pa silang pumasok sa loob mismo ng event na ginanap sa Bahay Kubo Restaurant, Historic Filipinotown, Los Angeles.

Kanilang itinapat sa amin ang megaphone at dahan-dahan na lumulusob habang sumisigaw. Lumabas ako at iba ko pang kasama para harapin at pigilan ang kanilang panggugulo .

Ang una kong naisip ay kung anong kabaliwan ang pumasok sa mga rallyistang ito dahil wala naman kaming bisita na pulitiko at hindi rin ako pulitiko. Ni hindi ako nagtatrabaho sa gobyerno at kailanman hindi ko nasubukan magtrabaho sa kahit anong kumpanya na konektado sa gobyerno.

Ayon sa aking nakuhang impormasyon, ang apat na nasa larawan ay sina Audine Tayag, Nikole Cababa, Mariah Oca at Yves Yves ay miyembro ng grupong Malaya na isang maka-kaliwang grupo at masigasig sa pang-uuto ng mga kabataan sa Los Angeles para sumanib sa kanilang grupo na may rebeldeng idolohiya. Ilan lang sila na mga rallyistang nanggulo na sa aming tantiya ay umabot sila ng 30 katao.

Para hindi na umabot sa punto na magkasakitan, tumawag ako sa 911 at mabuti na lamang naging mabilis ang pag-responde ng Los Angeles Police Department (LAPD).

Anim na police cars ang dumating at isang helicopter na nagmomonitor sa taas na kung sakaling lumala ang gulo.

Medyo naalarma din ang mga awtoridad dahil sa mga dala nilang banner na ang nakasulat ay kontra sa Amerika at ang lugar ay hindi naman talaga pinagdadausan ng kahit anong mga protesta.

Dahil sa walang permit mag protesta ang mga rebelde, binigyan lamang sila ng isang minuto ng mga pulis na ilabas ang gusto nilang sabihin dahil nakakabulabog sila sa komunidad.

Bukod sa grupong Malaya, nandoon din ang Magdalo at Filipino American Human Rights Alliance (FAHRA).

NPA MAGDALO GROUP – Art Garcia, Vange Lara, Abel Santa Isabel, Remedy Medina Gregg Asuncion at Enrico Asuncion.

 

Panoorin ang video ng kanilang panggugulo.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More