Mga Balitang Maharlika, Local at International

LENI! Naghahabol sa ratings, baka ilaglag ng partido!

0 335

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Naging mainit ang mga pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga pakitang tao at campaign mode na si Leni Robredo.

Hindi natin maitatanggi na matindi ang PR stunts ng Leni Robredo at kasama na din ang mga anak nyang hinahanap ang Pangulong Duterte sa gitna ng trahedya.

Sa bawat aksyon, sa bawat pikit ng mata, sa bawat hawi ng mga dahon, sa bawat hakbang, sa bawat abot ng tulong at bawat pag akap sa mga bata ay makikita natin na inaral, may script at mga strategy ng mga tradisyonal na politiko.

Hindi natin masisisi ang Leni Robredo, dahil malapit na ang kampanya at may mga balakid din sa kanyang pagtakbo tulad ng mga naririnig natin na posibleng suportahan ng mga Dilawan sina Grace Poe, Panfilo Lacson, Kiko Pangilinan o di kaya’y si Bam Aquino.

Hindi malabong ilaglag si Leni Robredo ng kanyang partido kung hindi ito makakabangon sa ratings, kaya naman ang pag-asa nya ay makisasaky sa kasikatan ni Pangulong Duterte o di kaya’y mag rebranding o magpalakas ng PR.

Ang paglitaw ng #NasaanAngPangulo ay isang strategy na hindi na nya dapat itanggi dahil mismong sa tweet ng kanyang mga anak din nanggaling.

Huwag na masyadong magpa inosente ang Leni Robredo dahil matagal na itong nagpapaka-plastik: Sumakay sa bus papuntang Bicol, nanumpa sa barangay tanod, sinama ang mga batang nasa laylayan sa kanyang inagurasyon, nagpakaplastik na wala syang pang downpayment sa kaso nya sa PET, ngunit may pondong 40 Billion Campaign funds sa Vice President.

Kung titingnan natin ang mga galaw at media ngayon, kitang kita na well-organized at orchestrated ang mga strategy ni Leni Robredo, sa pagdadala ng mga media, ang mainstream media ay blow-by-blow ang update, ang pagkuha ng mga ilang salita ni Pangulong Duterte, Spokesperson Panelo at Roque na ipapakita na nag hihingi sila ng tawad at ipakita na si Leni ang naaapi at magaling.

Hindi na ito eepekto pa sa ngayon, siguro ang iilan na lamang na magpapaloko ay ang kanyang mga anak na walang tigil sa kakatweet at hinahanap ang Pangulo.

Tama ang sinabi ng Malakanyang na #NasaPusoAngPangulo dahil si Leni Robredo, ano man ang gawing effort upang makuha ang nomination ng Liberal Party ay isusuka at pupulutin sa kangkungan dahil mahirap mabura na hindi sya kinikilala ng karamihan na sya ang pangalawang pangulo ng bansa.

Siguradong titindi pa ang mga ka-dramahan ni Robredo dahil bawat araw ay mahalaga at kailangan ng kanyang PR na hindi magkamali dahil baka maging Mar Roxas sya, na sa sobrang exaggerated ng mga kilos ay pinulot na lamang ito sa kangkungan.

Ang siguro’y dalangin nya ay basbasan sya ng Liberal para sa Smartmatic Machine.  Mahirap takluban ang katotohanan na hindi sya tanggap ng majority ng Pilipino, at hindi na maitatago ng makina ang katotohanan na iba ang nanalo sa pangalawang pangulo ng bansa.

Abangan at bantayan natin ang mga Aksyon at huwag magpa bulag– Abangan ang aming Vlog ng ating Maharlika!

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More