Mga Balitang Maharlika, Local at International

Mag-inang Sonya at Frank Gregorio nahimlay na

0 231

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

 

 

 

Nailibing na ang mag-inang Sonya at Frank Gregorio noong lingo, ito ay matapos ang insidenteng naganap sa Paniqui, Tarlac na binaril ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca.

Isang lingo nang nakakaraan ng nag viral ang video ng isang malagim na pagpatay sa mag-inang Gregoryo ngunit sariwa pa din ang mga pangyayari ayon ito sa kanyang pamangkin na ayaw magpakilala.

Naniniwala ang mga kaanak ng nasawi na makakamit nila ang hustisya at iginiit na hindi sila nagagalit sa buong kapulisan kundi sa mga iilan na umaabuso sa kapangyarihan.

Umaaasa din ang pamilya ng biktima na makakamit nila ito sa tulong ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.

Muling nabuhay ang issue ng pagbubukas sa usapin ng death penalty na noon ay inalis ni Pangulong Corazon Aquino at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More