Mga Balitang Maharlika, Local at International

Masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Santillan utos ni PRRD

0 2,637

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

MANILA – Iniutos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang patas at masusing imbestigasyon sa pagtorture at pagpatay ng mga kapulisan sa security aide ni Atty. Glenn Chong.

Si Richard Red Santillan na itinuring din na kapatid ni Chong ay pinatay  ng mga kapulisan sa probinsya ng Rizal sa pamamagitan ng pagpapahirap o torture ayon sa resulta na ginawang eksamin ni Public Attoney’s Office (PAO) forensics chief Dr. Erwin Erfe.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mahigpit na kinokondena ng Pangulo ang brutal na pagpatay kay Santillan.

“The Palace strongly denounces the brutal and brazen incident which led to the death of Mr. Richard Red Santillan.

President Rodrigo Roa Duterte has ordered a fair and thorough investigation of the case until the killers, including the mastermind, are put behind bars.

Serious accusations have been made against some members of the CALABARZON Police. Let the chips fall as they may.

As we know by now, PRRD does not condone erring men in uniform who grossly violate the law.

Similar to the Batocabe murder case, he certainly has the same commitment of getting justice done for the family, relatives, friends and for all those Mr. Santillan left behind” pahayag ng tagapagsalita.

Ayon sa PAO expert, umabot sa 63 ang tinamong sugat ni Santillan sa ibat-ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

“Total po ay 63 injuries ang nakita namin sa kanyang katawan sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang ulo, dibdib, likod, mga kamay hanggang paa, hanggang sa dulo po ng daliri ay may tama ng bala si Richard Santillan” sabi ni Erfe.

Sa Facebook post ni Chong, kanyang sinulat na ang kapulisan na gumawa nito sa kanyang aide ay maaring wala na sa wastong pag-iisip.

“Ang gumawa nito kay Richard Santillan ay hindi na normal na tao. Maaring durugista lamang ang gumawa nito. Kaya dapat confined to Crame ang mga opisyal ng kapulisan na sangkot dito, tanggalan ng baril at ipa-drug test. Attention: General Albayalde” ayon sa post ni Chong.

 

Panoorin ang video

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More