Mga Balitang Maharlika, Local at International

Mga pekeng botante sa ARMM, nabunyag

0 5,252

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

SULU – Ayon kay dating Sulu Governor Abdusakur Tan, nasa 70-80% ng mga pisikal na balota ay ginamit diumano ng mga pekeng botante. Lumabas sa technical examination na hindi tumugma ang specimen signatures at thumbprints ng mga botante sa aktuwal na pirma at thumbprints ng mga bumoto noon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Patunay lamang na mga pekeng botante ang bumoto sa araw ng halalan noong Mayo 9, 2016.

Ito ang isiniwalat ni Governor Tan sa harap ng ilang media noong miyerkules sa Sulu.

“Lumabas na ang technical examination ng Comelec, ang findings 70 to 80% ng mga pirma sa ARMM hindi tugma o peke.

Hindi tugma yung thumbprints ng tunay na registered voters at saka yung mga bumoto, ganun din ang mga signatures.

Kitang-kita ang pagnanakaw ng boto” pahayag ni Tan

Dagdag pa ni Tan, Comelec na mismo ang nagsagawa ng technical examination ng mga pisikal na balota mula sa Basilan, Maguindanao at Lanao de Sur na bahagi ng ARMM at ito ay partial results pa lamang.

Nagprotesta si Tan laban sa kandidato ng Liberal Party na si Mujiv Hataman na kaibigan ni Noynoy Aquino.

Matatandaan na si Hataman ay itinalaga ni Aquino noong 2011 bilang OIC Governor ng ARMM.

Mujiv Hataman at Noynoy Aquino

 

Ayon pa kay Gov. Tan, pinigilan din sya ni Noynoy Aquino na tumakbo noong 2016 pero hindi nya ito sinunod. At dahil sa hindi pagsunod, hinarass at pinagbantaan sya ni Aquino.

“Akalain mo sa loob ng 100 milyong Pilipino, ako pa napili ni President Aquino na pagbabantaan na pupuntahan nya sa Sulu at para matanggal daw ako at ang mga pamilya ko sa Sulu.

Nagpadala pa ng mga opisyal doon sa WestMinCom at sinabihan pa yung anak ko na ‘ang tatay mo masyadong matigas ang ulo baka madamay ka, ikaw ok ka. Pero yung tatay mo matigas ang ulo’ ” sabi ni Tan.

Dagdag pa ni Tan, ipinaabot daw nito kay Aquino ang pagsuway at sinabing kahit i-firing squad pa ay hindi sya mag-wiwidraw at alam na daw noon ni Tan na may balak ng mandaya sa halalan ang kampo ni Aquino.

Sa Facebook post ni Atty. Glenn Chong, kanyang sinulat na kapag napatunayan ito na higit 50% ng mga balota ay apektado ng anomalya ay puwedeng mapawalang bisa ang nakaraang halalan sa ARMM.

“Sa ilalim ng umiiral na jurisprudence ngayon, kapag napatunayan na higit 50% ng mga balota ay apektado ng ganitong uri ng anomalya, maaring mapawalang-bisa ang resulta ng halalan.

May malaking epekto ito sa protesta ni BBM laban kay Leni Robredo. Dahil 70%-80% ng mga bumoto ay peke o “multo,” maari itong mapawalang-bisa.

Dahil malaki ang panalo ni Leni Robredo sa mga lugar na ito, kapag nakaltas ang mga botong ito sa official tally, malaking boto ang mawawala kay Leni Robredo. Baka ma-overtake na siya ni BBM dito pa lang sa mga lugar na ito.

TIYAK MANGINGINIG SA KABA SI LENI ROBREDO SA BALITANG ITO!” ayon sa post ni Atty. Glenn Chong.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More