Mga Balitang Maharlika, Local at International

Pacquiao, wala pa daw plano sa Presidency

0 53

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Nilinaw ni Senator Manny Pacquiao na wala pa siyang planong tumakbo bilang pangulo ng bansa. 

Iginiit ni Pacquiao na hindi niya iniisip  ngayon ang pulitika lalo’t marami ngayon ang mga taong nangangailangan ng tulong at nagugutom dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Pacquiao na ang pamamahagi niya ng tulong sa kapwa ay simbolo ng pasasalamat niya sa Diyos sa lahat ng biyayang kaniyang natatanggap.

Kamakalawa ay nagdiwang si Pacquiao ng kaniyang 42nd  birthday kung saan tuloy tuloy din ang pamamahagi niya ng ayuda sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More