Mga Balitang Maharlika, Local at International

“PAG-ASA” pamana ng Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

0 387

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Ngayong kalamidad ay umaasa ang mga Pilipino sa impormasyon na binibigay ng media na unang nalalaman sa PAG-ASA, kaya tayo ay magpasalamat sa dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagtatag ng PAG-ASA (Philippine Atmospheric Geophysial Astronomical Services Administration) noong taong 1972 bilang PD 78 s.72.

Bukod ito sa proyekto ni First Lady Imelda Marcos na Urban Planning na kasama ang Anti-Flood control ng bansa noong taong 1974.

Dahil sa kagustuhan ng ating Pangulong Marcos ang maging handa ang bansa sa kalamidad, inilagay nya ang PAG-ASA sa ilalim ng Department of National Defense na syang mag implementa ng ahensya.

Unang taon pa lamang ng PAG-ASA ay nakagawa na ng modern class infrastructure projects ang Pangulong Marcos Sr. tulad ng Flood Forecasting System in the Pampanga River Basin.

Naipatayo din ang ang PAG-ASA Geophysical Observatory taong 1974 na syang maglalayon na pag-igihin ang training ng mga personel at pagmomodernisa ng pagtukoy ng epicenter at lakas ng lindol at naitayo ang Geostationary Metreological Satellite.

Bago mapatalsik ang Pangulong Marcos ng mga Komunista at mga Dilawan, naipatayo nya ang isang modernong Flood Forecasting and Warning System na mag-bibigay ng senyales na may baha ng paparating.

Ito ang tunay na lideratong hindi kailanman mapapantayan ninuman, isang Pangulo na nagbigay ng buong pagmamahal sa bayan, pag-asa at vision sa bansa, mga proyektong hindi lang pagbibigay ng pagkain para sa photo-op ng ibang pulitiko, ngunit proyektong dahil sa wagas na pagmamahal ng isang Pangulong Marcos sa bansa.

Kaya sana, maipagpatuloy at tuloy-tuloy ang pangarap ng dating Pangulong Marcos para sa bansang Pilipinas.

Kung ito ay hindi sana itinigil ng mga nakaraang mga Pilipino, sana ang Pilipinas ngayon ay mas handa sa kalamidad dahil may Anti-Flood Project tayo ni First Lady Imelda Marcos at isang PAG-ASA Office na magtatakda ng pag aaral sa galaw ng bagyo, hangin at lindol.

Maraming Salamat Pangulong Marcos at First Lady Imelda Marcos sa inyong mga proyektong napapakinabangan ng taong bayan.

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More