Mga Balitang Maharlika, Local at International

Pag-upo ni Biden ay hudyat ng paglago ng Tsina

0 358

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Ang pag-upo ni Democrat Joe Biden bilang Pangulo ng Amerika ay hudyat ng patuloy na pag lakas at pag unlad ng bansang Tsina.

 

Nagsimula naging mabilis ang pag-unlad ng China mula sa pagiging sleeping giant nito ng buksan ito ng dating lider na si Deng Xiaoping noong taong 1978. Binuksan nila ang bansa sa mga namumuhunang foreigners at nagpasukan ang mga American factories at nagkaroon ng madaming trabaho sa China.

 

Napunta ang labor force at mga industriya mula sa loob ng Amerika palabas ng kanilang bansa. Ito ay nagpabilis ng pag-unlad ng China at naging fastest growing economy. Nag gayahan din ang ibang mga mayayamang bansa na ilagay ang kanilang mga kumpanya, pabrika at industriya sa China. Kaya ang China ngayon ay isa sa pinakamayamang bansa sa mundo.

 

Dahil dito nagkabaliktad na ang mundo ngayon dahil ang Amerika ay nagkautang na sa China ng malaking halaga. Ang edukasyon sa Amerika ay pinupuntahan na ng mga mainland Chinese upang mas yumabong ang kanilang kaalaman, ang bumibili ng mga real estate properties ay mga Chinese, ang bumibili ngayon ng cash ay mga Chinese. Sila ang nagpapayaman ngayon sa mga state colleges at universities.

 

Ang naging tugon ni Pangulong Donald Trump ay protektahan ang Amerika at nilagyan ng mga ngipin ang tradings ng China at Amerika. Gustong ibalik ang mga kumpanya mula sa China papasok ng Amerika at ito ay nagsanhi ng US – China trade war. Dahil alam natin na si Trump ay American First Policy.

 

Si Trump ay isang Conservative American at gustong ibalik ang mga nawalang yaman ng Amerika pabalik sa kanyang bansa ngunit hindi nya namalayan na natapakan na nya ang mga protektor ng mga negosyong ito at napabagsak sa pinagsama-samang pwersa.

 

Ngunit dahil sa madaming nasagasaan si Pangulong Trump ay nagsimula ng ulanin ng propaganda ng mga powerful economies at mga oligarkiya na nakaapekto ang kanilang mga negosyo at nagtagumpay silang alisin si Trump sa pamamagitan ng Dominion Smartmatic system.

 

Ngayon ay uupo na si Democrat Joe Biden, na nangakong ibabalik ang magandang samahan ng China at Amerika. Babalik ang mga dating polisya at makakapasok muli ang mga Chinese companies sa loob ng Amerika at ang mga American companies ay patuloy na mamumuhunan sa labas ng kanilang bansa.

 

Kaya ang susunod na ekonomiya ay nasa China at ang pagkapanalo ni Biden ay paglakas din ng ekonomiya, politika at pag kontrol sa mga negosyo sa buong mundo.

 

Mag-aral ang bawat isa ng Mandarin dahil ito na ang business language dahil ang yaman ng Amerika ay napunta na sa China.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More