Mga Balitang Maharlika, Local at International

PAL, nagbayad na nang P6 Billion utang sa gobyerno

0 92

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Napilitan nang magbayad ng P6 billion ang Philippine Airlines sa  pagkakautang nito sa gobyerno matapos bigyan ng sampung araw na ultimatum at pagbantaan ng Pangulong Duterte na ipasasara ang NAIA Terminal 2 na kasalukuyang ginagamit ng PAL.

Screen shot mula sa FB Page ni PCOO Asec. Mocha Uson

Nobyembre 3 ng taong ito ay binayaran na nang PAL ang utang sa air navigational charges mula pa noong 1970’s.

Si Atty. Clara De Castro, PAL Vice President for Legal Affairs ang nagdala ng tseke sa opisina ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Pasay CIty.

Ang tseke na nagkakahalaga ng PhP5,677,887,615 ay itinurn-over kay CAAP Chief Accountant Raul Eusebio. Maliban dito, isa pang tseke na may halagang 258,594,230.33 ay itinurn-over naman kay Manila International Airport (MIAA) Assistant Manager for Finance and Administration Arlene Britanico.

Ito ay sinaksihan nina DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel L. Tamayo, Undersecretary for Communications Leah Quiambao.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More