Mga Balitang Maharlika, Local at International

Patunay na may pagmamahal si Robredo sa NPA

0 249

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Nanindigan si Leni Robredo na “fake news” daw ang mga lumutang na balitang pumapanig umano siya sa komunistang grupo.

Sinabi ni  Robredo na hindi totoo ang mga balitang pumapanig siya sa komunistang  grupo lalo na at wala naman daw siyang inihahayag hinggil dito.

“It gets crazier and crazier. Now I am being red tagged.

None of the allegations here are true.

Please help us report these peddlers of fake news,” ayon sa post ng kanyang FB account na Leni Gerona Robredo noong sabado.

“Pare pareho at halos sabay sabay ang labas. So mukhang eto yung script this week,” dagdag ni Robredo na may nakatawang emoji.

Pero kung balikan natin ang kanyang mga sinabi tatlong taon na ang nakaraan, noong Nobyembre 30, 2017 nang dumalo si Robredo sa ika-154th birth anniversary ni Andres Bonifacio sa Caloocan.

Tinanong si Robredo ng isang reporter kung ano ang kanyang reaksyon sa sinabi ng Pangulo na patayin ang mga teroristang NPA dahil ito’y pumapatay din ng mga sundalo.

Sinagot ito ni Robredo na may pagtatanggol sa mga teroristang grupo.

“Parang hindi naman ganoon iyong sinasabi ng Konstitusyon natin at mga batas na nandiyan. Ang sinasabi ng ating mga batas, na kapag mayroong nagkasala, mayroong proseso para alamin kung totoo ba iyong paratang, at mayroon namang nararapat na penalidad sa mga paratang,” sabi ni Robredo.

Paliwanag pa ng pekeng bise presidente na ito ang maging simula na magka gulo-gulo kapag inilagay ang batas sa ating mga kamay.

“Kung pinapayag natin na ilagay sa ating mga kamay iyong batas, parang pinapawalang-bisa natin iyong ating demokrasya, pinapawalang-bisa natin iyong rule of law at iyon iyong simula para magkagulo-gulo tayo,

Kaya tayo mayroong mga institusyon dahil itong mga institusyon na ito ang nagsisigurado na parating maayos iyong pang-araw-araw na pagkabuhay natin. Kapag sasabihin natin na puwede tayong magpatay kasi mayroon tayong binibintangan na gumawa ng krimen, anong mangyayari sa ating lahat, ‘di ba?” dagdag ni Robredo.

Paki click ang link para sa  buong interbyu http://ovp.gov.ph/post/interview-vice-president-leni-robredo-154th-birth-anniv-andres-bonifacio 

Matatandaang may lumabas na mga satirical memes sa social media na sinabi umano ni Robredo na kailangang protektahan  ang New Peoples Army  dahil sila ang pag-asa ng bayan.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More