Mga Balitang Maharlika, Local at International

Pilipino, handa ng magpabakuna ng Anti Covid-19

0 164

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na ginawa noong Setyembre 17, 2020 – 66% ng mga Pilipino ay gustong magpabakuna ng anti Covid-19, samantalang 31% naman ang hindi papayag na sila ay mabakunahan.

Agad naman itong ikinatuwa ng Malacañang dahil ito’y nangahulugan na mataas ang tiwala ng mga Pilipino sa gobyerno at patungo na ang Pilipinas sa vaccination program.

 

Ayon kay Spokesperson Harry Roque, mayorya ng mga Pilipino ay nagtitiwala sa posisyon ng gobyerno patungkol sa Covid-19 at makakaasa ang sambayanan na uunahin ang mga mas nangangailangan na Pilipino.

Nitong Nobyembre 21, 2020, ikinagulat ng karamihan ang isang rebelasyon ni Senate President Tito Sotto na dalawa sa mambabatas ngayon ay nabigyan ng bakuna laban sa Covid-19, ito umano ay sina Congressman Martin Romualdez at Senator Panfilo Lacson, ngunit hindi ito kinumpirma ng dalawang mambabatas.

Mahigpit naman na binabalaan ng DOH ang mga Pilipino na kung sino man ang magbebenta, magpopromote o di kaya’y mag eendorso ng mga hindi rehistradong gamot laban sa Covid-19 ay mananagot sa batas.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More