Mga Balitang Maharlika, Local at International

PRRD, ginagawa ang lahat para matiyak ang COVID-19 vaccine para sa Pilipinas

0 117

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Tiniyak ng Malakanyang na hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makabili ng anti-COVID-19 vaccine ang  Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Secretary Harry Roque na walang sinasayang na panahon si Pangulong Duterte para makasigurong may makukuhang bakuna ang Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon kay Roque, agresibo din si Vaccine Czar Carlito Galvez na maisara ang deal sa mga kumpanyang gumagawa ng bakuna tulad ng Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sinopharm

Nasa 60-million doses ang inisyal na target ng Pilipinas.

Una nang lumabas ang mga report na nais kontrolin ng mga mayayamang bansa ang mga bakuna.

 

COVID-19 sa Pilipinas, nasa 450,000 na

Muling nadagdagan ng mahigit isang libo ang positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datus ng Department of Health, sumampa na sa 450,733 ng COVID-19 cases sa Pilipinas, kasunod ng bagong naitalang 1,339 na bagong kaso.

Nanatili ang Quezon City na nanguna sa may pinakamaraming naitalang  positibong kaso sa 147, sunod ang Davao city na may 124, Rizal na may  65, Laguna na may 50 habang ang  Maynla ang sumunod na mayroong 49.

Sumampa naman sa  418,723 ang total  ng mga naka-recover  matapos maitala ang 41 bagong gumaling sa COVID-19.

Panibagong  24 naman ang nadagdag sa mga nasawi  na nagresulta sa  8,757 death toll na ang death toll nang madagdag ang 24 na mga bagong nasawi sa naturang impeksyon.

sa ngayon ay nasa  23, 253 pa ang aktibong kaso na sumasailalim sa gamutan o naka-quarantine kung saan 85.1% ang mild, 5.7% ang asymptomatic, 5.9% ang critical, 3% ang severe at .32% ang moderate.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More