Mga Balitang Maharlika, Local at International

Publiko, obligado na ring mag-face shield sa labas ng bahay

0 34

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Obligado na ang publiko na maliban sa face mask, kailangan na ding magsuot ng  face shield  kapag lalabas ng bahay. 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases sa huling pulong noong Lunes.

“Ngayon po kinakailangan isuot na pareho ang face shield at ang face mask. At kinakailangan po full ang face shield kasama po ang face mask,” sabi ni Roque.

Ayon kay Roque, bahagi ang pagsusuot ng face shield sa mga hakbang para sa pagpapababa ng transmission ng COVID-19 lalo na ngayong holiday season.

Naniniwala naman si Roque na hindi na mahihirapan ang publiko na sumunod dahil nakagawian na din naman ang pagsusuot ng face shield dahil required naman ito sa mga trabaho, shopping mall, simbahan at pagsakay sa mga publc transportation.

Presidential Spokesperson and concurrent IATF spokesperson Secretary Harry Roque Jr.

Dagdag pa ni Roque na affordable naman na ang face shield kung saan may nabibili pa aniya na P5 ang bawat isa.

 

Pilipinas, nakapagtala muli ng mahigit 1K na COVID-19 positive sa isang araw

Patuloy na nadadagdagan ang COVID-19 positive sa Pilipinas sa kabila ng ilang buwan nang pagpapatupad ng mga health protocols.

Sa report ng Department of Health, naitala ang mga bagong kaso sa 1,135 ng COVID-19 habang 56 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Kaugnay nito, nasa 24,160 na mga active cases pa ang patuloy na ginagamot o naka-quarantine.

Naitala naman ang 173 na mga bagong naka-recover sa sakit na dahilan para umakyat ang total recoveries sa 418,867.

Samantala, naitala naman ang death toll  sa 8,812.

 

Sen. Recto, pinamamadali ang pagbabakuna vs COVID sa Pinas

Nanawagan si Senator Ralph Recto na dapat nang simulan ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ipinaliwanag ni Recto na layon nitong matiyak ang tuloy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ni Recto na batid niyang ginagawa ng gobyerno ang lahat pero hinimok pa rin niya ang mga kinauukulan na mas bilisan pa ang pagkilos dahil sa mga lumalabas na balitang aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago magsimula ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Masyado aniyang matagal ang limang taon kaya kung puwede ay paiklihin ito sa dalawang taon para hindi na masyadong kumalat ang COVID at hindi naman mapunta sa wala ang economic recovery measures ng pamahalaan.

Matatandaang mismong si Vaccine Czar Carlito Galvez ang nagsabing aabutin ng 3 hanggang  5 taon ang pagbabakuna sa tinatayang pitumpung milyong mamamayan sa Pilipinas.

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More