Mga Balitang Maharlika, Local at International

Palitan na ang Cory Aquino Constitution na protektor ng Oligarkiya

0 235

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

PAPASUKIN NA ANG MGA INVESTORS SA BANSA! BAGUHIN NA ANG 1987 CONSTITUTION!

(Picture Credit: Joyce Ilas, CNN Philippines)

Nagsisimula na ngayon ang usapin sa Constitutional Reform o mas kilala sa tawag na Charter Change.

Ang 1987 Constitution na isang Konstitusyon na sinulat noong panahon ni Cory Aquino ay minadali, hindi pinag isipan, produkto ng sakim na pagbabago at isang anti investors dahil pinoprotektahan nito ang mga oligarkiya at iilang pamilyang may hawak ng negosyo ng bansa.

 

Sa ilalim ng ating Konstitusyon ay 60/40 ang pagbubukas ng isang negosyo, ibig sabihin dapat ang 60% ng shareholders ay mga Filipino Citizens at ang 40% ay mga foreigners.  Ang malaking problema natin, iilang Pilipino lamang ang may sapat na pera upang magtayo ng negosyo sa bansa, kundi ang mga Ayala, Zobel, Cojuangco, Lopez at ito ang dahilan kung bakit nakokontrol ang ekonomiya at politika ng maimpluwensyang mga pamilya. Karamihan dito ay mga protektor ng mga Dilawan kaya sila ang malaking magpondo sa mga Liberal dahil masisira ang kanilang pag control sa ekonomiya.

 

Ang mga oligarchs na ito ay sanhi ng paghihirap, dahil ayaw nilang umangat ang mga Pilipino sa kahirapan dahil ayaw nila ng kompetensya sa bansa. Ang ginagawa na lamang ng ating mga kababayan ay nag OFW at nawawalay sa mga mahal nila sa buhay at nasisira ang pamilya ng iba. Nawalan na din ng vision ang mga liders ng bansa na magpasok ng mga investors dahil umaasa ang bansa natin sa OFW.

 

Oo, may mga Call Centers tayo na sa ilalim ng PEZA, ngunit ang call centers ay hindi stable na namumuhunan at hindi nito kayang tugunan ang lumulubong populasyon ng bansa. Mahalaga ang madaming tao sa isang bansa upang umandar ang ekonomiya ngunit kailangan ang bawat tao ay may pera upang gumastos. Paano magkakapera ang Pilipino? Papasukin natin ang mga negosyante.

 

Singapore ang pinaka investors friendly na bansa. Ang ekonomiya nila ay nakasandal sa mga foreign investors at natayo nila ang First World Economy sa South East Asia. Nahuhuli na ang Pilipinas dahil sa bukod sa mahal na kuryente, tubig at hindi magandang transport system, ay nahihirapan ang investors na mamuhunan.

 

Bagsak ang ekonomiya ng bansa, ang Pangulong Duterte ay patuloy sa pagpapaganda ng imprastraktura at ang isa pang kulang na pinaka importante ay pagpasok ng mga investors. Dadami ang trabaho, gaganda ang kompetisyon ng mga investors, tataas ang sweldo ng bawat Pilipino at magiging economic competent na tayo.

 

Huwag na tayo magpalason sa mga protektor ng mga oligarchs na mga Dilawan. Huwag magpa brainwashed na kokontrolin tayo ng foreign investors, dahil may mga batas na ilalabas upang maprotektahan ang Pilipino at Pilipinas.

 

Ang Charter Change ay isa sa pinaka importanteng elemento upang makabangon na ang bansa natin sa mga kahirapan, kawalan ng trabaho at pagkontrol sa ekonomiya at paghawak sa leeg ng mga negosyante sa mga politiko.

 

Isa ako sa masipag at tutulong upang maipaliwanag ng tama ang pag amyenda ng Konstitusyon.

Kasama din tayo sa mga kokontra sa mga komunista, leftist, NPA at mga Dilawang ayaw umunlad ang bansa.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More