Mga Balitang Maharlika, Local at International

Respected Filipino Designer Avel Bacudio pinuri ang dating unang Ginang Imelda Marcos

0 116

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

 

 

 

 

Bumaha na naman ang Twitter republic ng batikos mula sa isang kilalang Filipino Designer na si Avel Bacudio na nag post sa kanyang Tiktok na sya ay proud na maging Pilipino dahil naipatayo ni First Lady Imelda Marcos ang isa sa embahada natin sa Estados Unidos sa New York City.

Kung ating babalikan ang kasaysayan, ang Philippine Embassy sa New York ay isa sa mga pamana sa atin ng ating Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng ideya ni First Lady Marcos. Ito ay naitayo noong taong 1974, sa sentro ng kalakaran ng New York City at ang embahada ay hindi lamang nagungupahan sa isang building tulad ng mga karamihan ng ibang bansa, bagkos ay may sarili tayong building. Dahil sa pagmamahal sa Arts and Culture ng unang Ginang Imelda Marcos ay kinuha nya ang disenyong Maharlika at ang respetadong Architect na si Augusto Camacho.

Si Avel Bucadio ay nagsabi lamang ng katotohanan bilang isang Pilipino na taas noo na ang ating bansa ay mayroong magarang opisina na handang tumulong sa ating mga kababayan sa Estados Unidos at hindi ito magiging posible kung wala si Unang Ginang Imelda Marcos.

Isang ehemplo ang Pinoy designer na si Avel Bucadio dahil madami akong kilala na mga showbusiness personalities na suportado ang mga Marcoses ngunit nanatiling tahimik dahil takot na sila ay abusuhin ng mga oligarko at mga dilawan.  Napakahirap magsalita ng pagsuporta at paghayag sa Pamilya Marcos lalo pa at kontrolado ng industriya ang mga personalidad dahil karamihan ay mga Dilawan.

Sinubukan kong kunin ang reaksyon ni Avel Bacudio at nakiusap na mananahimik muna siya dahil ating nabalitaan ang mga pagtuligsa sa kanya ng mga mapanghusgang Dilawan.

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More