Mga Balitang Maharlika, Local at International

Sen Go, umaasang maipapasa ang panukalang DOFW sa Enero

0 40

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Aminado ang principal author ng panukalang pagtatatag ng Department of OFW na si Senator Christopher Bong Go na inasahan niyang mapag-uusapan  na sa Senado ang kanyang panukala sa Enero na ng susunod na taon.

Naipasa na ito aniya mula sa Labor Committee patungo sa Committee on Rules dahil recess na sila kaya ayaw na niyang magkomento pa.

Matatandaan na senirtipikahan ni Pangulong Duterte ang panukala bilang urgent pero nag-recess na ang  senado.

Kaugnay nito ay sinabi ni Go na para sa 10-million OFW ang bagong departamento bilang pagkilala sa kanilang malaking kontribusyon sa pagpapaganda ng ekonomiya ng bansa.

Binigyang diin naman ni Go na hindi man naihabol bago ang recess, hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na maibibigay din ang matagal nang hinihinging sariling departamento ng mga OFW na naririnig niya tuwing nag-aabroad sila dati ng Pangulo.

 

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More