Mga Balitang Maharlika, Local at International

SOTTO! Gumawa ng Ingay patungkol sa ABS-CBN! Bakit nga ba?

0 317

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Naghain ang Eat Bulaga Senate President Tito Sotto ng Senate Bill 1967 ngayon araw upang buhayin ang ABS-CBN franchise na ibinasura na mismo ng ating Kongreso dahil sa mga violations na nagawa ng istasyon. Binasa ko muna ang kanyang Introduction at baka naman ma-plagiarism na naman sya tulad noong nangyari sa RH Bill debate noong September 2012  dahil sa mga tunay na writers ng kanyang Senate Bill.

 

Pagkatapos kong basahin ang kanyang mga reasoning ay napatunayan ko na tama ang naging aksyon ni President Gloria Arroyo na huwag kunin na Vice President si Tito Sotto noong 1998 election dahil alam naman natin na dating malapit na magkaalyado ang dalawa at nagsimula ang Kampi Political Party ni GMA at Tito Sotto dahil sila ay mag tandem, ngunit nakapag decide si GMA na mag alyansa kay Joe De Venecia ng Lakas CMD. Naging tama ang desisyon dahil ang kanyang ka tandem na si Sotto ay hindi din malaman ang intension sa puso at takbo ng utak.

Hindi ko din alam why Senators keep on electing this kind of Senate President, napakadami naman na magagaling dyan tulad ni Senadora Imee Marcos at Senador Dick Gordon na kayang mag represent ng Senado ng may competence at integrity, ganun din sa ating House of Representative na nagluklok ng Speaker na hindi natin alam kung nag exist ba.

Karapatan naman ng kahit sinong Senador o Congressman na maghain ng panukalang batas dahil ito ay proseso ng demokrasya ngunit atin ding busisiin ano ba ang intension ng Senador Tito Sotto na ito?

Going back sa kanyang Senate Bill 1967, na alam naman nyang mahihirapan ng maipasa sa Senado at Kongreso dalawa lang ang ating nakikitang anggulo dito:

 

Una, gumagawa ng ingay dahil pa nag retiro na ang Senador Tito Sotto at nagbabakasakaling makakakuha ng media publicity sapag buhay ng Franchise bill ng ABS-CBN at tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno dahil ang huli nyang pwedeng pasukin ay paghost sa Eat Bulaga. Kumbaga ay nag test sya sa water, kung tanggap pa ba ng majority ng Pilipino ang ABS-CBN at nagbabakasakaling makakuha ng simpatya sa supporters nito.

Ikalawa, nababalitaan natin na ang ABS-CBN ay bibilhin na ng ibang may-ari at kailangang buhayin ang lisensya nito, ngunit ating paalalahanan ang mga taong bayan, Kongreso at Senado na dapat busisiin din ang mga bibili ng ABS-CBN ( kung totoo nga ang balitang ito ) at ang kabuuang Sistema at pagsunod sa franchise agreement ng network.

Dahil sa ating Sistema ngayon ay madali lang naman kumuha ng front at ipakita na iba ang may-ari ng isang kumpanya ngunit sa likod pala nito ay mga oligarkiya. Huwag din natin kalimutan ang mga violations ng network at hindi maging dahilan ang malambot na puso upang buhayin ang franchise.

Hindi natin kalaban dito ang ABS-CBN ngunit ang may-ari na Lopezes at ang mga violations ng network. Huwag din tayong papayag na may mga politiko tulad ni Senador Tito Sotto ang makikisabay sa agos at ingay ng franchise bill maski alam nito sa sarili na malabo na ito.

Kung ang problema ni Tito Sotto ay kompetensya ng TV Networks, therefore, palakasin nya ang suporta sa mga other network players. Kung may bibili man sa ABS-CBN, dapat lahat ay makilahok, makialam at busisiin ang mga buyers at magmatyag sa mga mangyayari.

Paki tingnan din ang stockholder ng ABS-CBN at baka isa sa kanyang kapamilya pala ay stockholders dito.

Ang mahirap sa Pilipinas ay dalawa lamang ang tunay na naglalaban dati sa TV Stations ang ABS-CBN at GMA 7, ibig sabihin hindi maitataas ang kalidad at quality ng ating mga balita at TV shows kung monopolyo lamang ng iilan ang aasahan.

Kaya tayo ay maging mapagmatyag at maging mapag usisa sa galaw ng mga politikong ilang dekada ng nakaupo sa pwesto ngunit wala kang makitang nagawang mabuti sa bayan.

Kaya, kung ako kay Tito Sotto! Please retire and mag focus na lamang sa EAT BULAGA.

Salamat.

Kopya ng Senate bill 1967 na inihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More