Mga Balitang Maharlika, Local at International

Tama lang na pinigilan ni PRRD ang PSG sa Senate Inquiry!

0 239

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Naging matunog at maingay ang ginagawang iskandalo ng Senado lalong-lalo na si sleeping Senator Franklin Drilon tungkol sa issue ng ineksyon na ginamit ng PSG. At kagabi sa ulat sa bayan ay inutusan ni Pangulong Duterte na huwag dumalo sa Senate Inquiry patungkol sa vaccine.

 

Ito ay aking personal na opinion.

Ang Pangulo ng bansa kahit sino man ay may mga privilege communication at mga state secrets na walang karapatan ang bawat mamamayan na malaman dahil ito ay makakagulo sa bansa. Ito ay given na sa sino man na lider at ano mang bansa na may mga classified information at activities na hindi kailangang ipaalam sa taumbayan.

May sariling judgement ang Pangulong Duterte upang harangin ang mga impormasyon na hindi makakabuti sa interest ng bayan.

Matatandaan na ginamit ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang Privilege Communication sa dati noong NEDA Secretary Neri noong siya ay pinapatawag ng Senado patungkol sa NBN ZTE project.

 

Ano man ang rason ng Pangulo, ito ay pribilehiyo ng lider ng bansa na gamitin ang mga executive privilege at inherent na din sa kanilang posisyon ang mga state secrets na hindi na kailangan malaman pa natin.

Ito ay mga pribilehiyong matatagpuan sa buong mundo at hindi lamang sa Pilipinas.

Ikalawa, ang pangunahing trabaho ng PSG ay pangalagaan ang Pangulo ng bansa at mga dating Pangulo ng Pilipinas. Ang ginawa ng PSG na pagturok ng ineksyon ay isang call for judgement upang isaalang-alang ang kanilang buhay para lamang protektahan si Pangulong Duterte.

Ako din ay nababahala minsan sa ating Pangulo na masyadong bukas ang mga statements sa taong bayan na dapat iniisip nya din ang mga impormasyon na dapat sabihin at hindi dapat sabihin na makaka-apekto sa national interest o security ng bansa.

Kung ikaw ay isang matinong citizen ng bansa at malalim ang pang-unawa sa STATE ay maiintindihan mo sa bansang demokrasya ay may mga bagay na para lamang sa estado at hindi lahat ay absolute na dapat malaman ng bayan.

 

Para sa akin, sakop ang ginawa ng Pangulo at PSG ng classified information na alam naman ng mga Senador ngunit kailangan mag grandstanding dahil malapit na ang eleksyon. Huwag din magtampo ang mga Pilipino dahil hindi absolute ang karapatan para malaman ang lahat ng impormasyon ng estado at ang mahalaga ay naghahanda na ang Pilipinas mag import ng mga vaccines para tugunan ang Covid-19.

 

 

 

 

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More