Mga Balitang Maharlika, Local at International

Vatican: Hindi sinabi ni Pope Francis na walang impiyerno

Pinanindigan ng Vatican na mayroong impiyerno

0 334

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Noong Huwebes, sinabi ng Holy See na ang iniulat na panayam sa pagitan ni Pope Francis at isang Italyanong mamamahayag, na nagsasabing ang Pope ay nagtatanggi sa pagkakaroon ng impiyerno, ay hindi dapat ituring na tumpak na paglalarawan ng mga salita ng Santo Papa, bagkus ito ay maituturing na sariling “rekonstruksyon” ng may-akda.

Ang pagpupulong sa pagitan ni Pope Francis at ng Italyanong mamamahayag na si Eugenio Scalfari, 93, ay isang pribado para sa okasyon ng Pasko ng Pagkabuhay, gayunpaman ito ay hindi nagbigay kay Scalfari ng anumang panayam,” ayon sa Vatican.

Si Scalfari, isang self-proclaimed atheist, na isa sa nagtatag at dating editor ng Italian leftist newspaper na La Repubblica.

Eugenio Scalfari – Italian journalist

 

Sa isang artikulo na inilathala sa site Marso 29, Isinulat ni Scalfari na sinabi raw sa kanya ni Pope Francis: “hell doesn’t exist, the disappearance of the souls of sinners exists.”

Ito na raw ang ikalimang pakipagpulong ni Scalfari kay Pope Francis at hindi rin daw ito ang unang pagkakataon na misquoted niya ang mga salita ng Pope sa kanyang isinusulat.

Noong Nobyembre 2013, kasunod ng matinding kontrobersiya tungkol sa mga sinusulat ng mamamahayag sa Santo Papa, tinanggap ni Scalfari na ang ilan sa mga salitang kanyang na-ipublish bago ang isang buwan ay hindi ibinahagi ng Pope mismo.

Sa isang pulong naman ng mga mamamahayag ng Foreign Press Association ng Roma noong 2013, pinanatili ni Scalfari na ang lahat ng kanyang mga panayam ay isinasagawa nang walang aparato sa pag-record, ni hindi rin daw sya nagsusulat habang nagsasalita ang kanyang kinakapanayam,

“I try to understand the person I am interviewing, and after that I write his answers with my own words,.” (“Sinisikap kong maunawaan ang taong aking iniinterbyu, at pagkatapos ay isusulat ko ang kanyang mga sagot sa sarili kong mga salita.”) sabi ni Scalfari.

Inamin ni Scalfari na ang ilan sa mga salita ni Pope Francis na kanyang isinulat ay hindi ibinahagi ng Santo Papa.

“some of the Pope’s words I reported, were not shared by Pope Francis.” (“ang ilan sa mga salita ng Papa na iniulat ko, ay hindi ibinahagi ni Pope Francis.”) pag-amin ni Scalfari.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More