Mga Balitang Maharlika, Local at International

“Wag kapit-tuko sa puwesto” – Tagle

0 1,849

Get real time updates directly on you device, subscribe now.


Panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maglingkod sa kapwa kagaya ni Hesus na inialay ang sarili sa pagsisilbi sa kanyang mga alagad.

Ginawa ang pahayag ni Tagle sa Evening Mass of the Lord’s Supper sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila na kung saan isinagawa rin ang tradisyunal na “Washing of the feet.”

Binanggit rin ni Tagle sa kanyang homiliya na patama sa  mga taong kapit-tuko sa puwesto na gagawin ang lahat mapanatili lamang sa kinalalagyan.

“Alam ko kapag ikaw ay nasa taas na, ayaw mo nang lumisan. Lahat gagawin mo para manatili na dyan.
Pero si Hesus hindi, kasi ang mundo natin ngayon sanay na sanay sa ganun eh.                                                             Mukhang umaalis sa matayog na posisyon, pero sa bandang huli kapit-tuko, ayaw lumisan, hindi ganyan si Hesus.” – banggit ni Tagle.

Sa mismong misa, hinugasan at hinalikan ni Cardinal Tagle ang paa ng labindalawang indibidwal upang gunitain  ang taunang tradisyon.

Kabilang sa mga hinugasan ang paa ay sina Crisanto at Eva Demafeliz na magulang ng pinatay na OFW na natagpuan sa loob ng feezer sa Kuwait, ang mag asawang tauhan ng Philippine Navy na sina Giovanni at Yolicres Badidles na matagal nang hindi magkasama dahil sa kanilang trabaho. Mag asawang galing Pakistan na sina Masih Irfan at Shaziah Irfan parehong katoliko na nakaranas ng religious persecution sa kanilang bansa, mag-asawang Danilo at Janet Pelayo kasama ang anak na si Danica na taga Paco, Manila na nawalan ng tirahan, dalawang lider ng Lumad na sina Isidro Indao at Kaylo Bontolan na umalis sa kanilang lugar dahil sa matinding militarisasyon, illegal logging at mining, si Father Teresito “Chito” Suganob na nailigtas sa pagkakabihag ng 116 na araw mula sa Teroristang Maute Group noong September 2017.

Si Cardinal Tagle habang hinahalikan ang paa ng isa sa 12 indibidwal sa taunang tradisyon na Washing of the Feet noong Huwebes Santo Marso 29.

Get real time updates directly on you device, subscribe now.

Comments
Loading...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More